Isang dulang isinulat ni joi Barrios na sa pagkakataong ito ay nilapatan ni Joey Baquiran ng mga liriko. Ito ay tumatalakay sa kalagayan ng mga kababaihan sa isang lipunang tinatakal ang kanyang halaga sa pamamagitan ng kanyang katawan.
Leonarda- katulong, napagbintangang puta; Juanita- nangangarap maging sarswuelista, puta sa entablado; Maria- putang cigarera; Clara- piping puta. Sila'y nakatihaya sa banig ng pagtangis at pangungulila. Sa gitna nilang lahat ay si Magdalena- ang puta sa lahat ng panahon.
Sila ang mga DAMAS DE NOCHE, mujeres libres, mujeres publicas, mujerzuelas, mga kalapating mababa ang lipad, ramera, kiri, vagamunda, haliparot.
Labas sa mga nakagawian ng kumpanya, ang Damas de Noche ay bibigyan ng panibagong interpretasyon. Halinsabay sa makabagong musika, sundan natin ang kanilang mga istorya na patungo sa landas sa pagbuo ng bagong kababaihan! |